Bakit namamalo si Miss Uyehara? May mga notebook bang lumilipad? Bakit masakit sa ulo ang Mafhemafics? Ano ang sikreto sa pagkakaibigan nila Pepe at Tagpi? Bakit may mga taong nakapikit sa litrato? Masarap ba ang Africhado? Sino si Tigang? Bakit may mga classroom na kulang ang upuan? Masama bang mag-isip nang malalim habang naglalakad? Saan ang Ganges River sa Pilipinas? Bakit may mga umaakyat ng overpass pero hindi tumatawid? Sino ang webmaster ng bobongpinoy sa Internet?
No calculators. No dictionaries. No erasures. No cheating.
Bob Ong, or Roberto Ong, is the pseudonym of a Filipino contemporary author known for using conversational Filipino to create humorous and reflective depictions of life as a Filipino.
The six books he has published thus far have surpassed a quarter of a million copies.
Huling libro ni Bob Ong na binasa ko ngayong bakasyon. Kung hindi siya gagawa ng adyasment, huling libro na rin siguro na babasahin kong sinulat nya. O magdadalawang isip na siguro akong bumili at/o magbasa ng akda niya kung sumulat pa siya ng iba. Nakakasawa. Paulit-ulit lang ang tema. Halatang narating na niya ang hangganan ng mga paksang kaya niya sulatin. Pakiramdam ko, doon sa huling sinulat niya na lumabas noong nakaraang taon: "Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan" ay parang yong sinasabi ng mga Amerikano na he is already scraping the bottom. Balikan natin ang kanyang 8 nobela na kababasa ko lang lahat:
ABNKKBSNPLAko?! (2001) - 2 stars - tungkol sa kuwento ng kanyang pagaaral mula sa elementary hanggang college. Outdated na. May parts na napangiti ako (pero di natawa). Naala-ala rin ang mga nakaraan ko sa public elementary school at private high school at college. Pero di kaaya-aya ang kanyang buhay na na drop-out or kick-out sa college at pagiging laging late. Ewan ko, hindi ako maka-relate!
Bakit Baligtad Magbasa ang mga Pilipino? (2002) - 4 stars - ito ang nagustuhan ko. May kabuluhan. May adhikain si Bob Ong na imulat ang mga mata ng mga nagtutulug-tulugan na Pinoy. Nais din nyang magkaroon ng pagbabago at naniniwalang may pag-asa pa ang Pilipino. Very positive. Well-written except may mga fillers (yong kuwento ng mga bobo sa ibang bansa).
Ang Paboritong Aklat ni Hudas (2003) - 1 star - Pangit. Kuwentong tagpi-tagpi na kuwanri ay isiningit sa paguusap ng kamamatay lang na karakter ni Bob Ong at ng Diyos. Napagkamalan pa ni Bob Ong ang Diyos na si Lucifer! Non-sense. Halatang gusto lang makapagsulat dahil kumita ang unang dalawang libro. Hit while the iron is hot siguro so na-suffer ang quality ng libro.
Alamat ng Gubat (2003) - 4 stars - Pero ang pagkakamali sa "Hudas" ay agad naituwid noong ilabas sa parehong taon ang "Alamat". Isang satire sa buhay ng Pinoy lalo na sa pulitika. Gustong-gusto ko ang karakter ng buhay ni Tong Talangka: masaya, matalinhaga, mapanganib at makahulugan. Tapos may mga illustrations pa si Klaro na makukuhay. Ang pintas ko lang ay bakit papaya ang drowing ng puso ng saging. Klasik na pagkakamali. At di rin prutas ang puso ng saging kundi bulaklak!
Stainless Longganisa (2005) - 2 stars - Kung ang "ABNKKBSNPLAko?!" ay tungkol sa eskuwela at ang "Baliktad" ay tungkol sa pulitika, dito sa "Stainless" sinubukan nyang ikuwento ang buhay niya bilang manunulat. Masyadong self-centered na para bang siya na lang ng siya ang bida. Bakit naman ako magiging interesado sa kanya ganoong maraming mas di hamak na mahuhusay na nobelistang Pinoy at kahit hindi Pinoy. Pero in fairness, may mga natutunan ako sa kanya sa librong ito, kaya 2 stars (it's OK ayon sa Goodreads definition).
MacArthur (2007) - 3 stars - Siguro, wala na syang maisip na isulat tungkol sa buhay nya at uso ng mga panahong yon ang teleserye sa TV kaya nag-drama si Bob Ong. Mahusay naman. Malinis ang pagkakasulat at interesante ang plot. Nagustuhan ko ito kahit medyo gasgas na sa TV ang tema ng 4 na durugistang kabataan. Huwag na lang kontrahin ang mga nagsasabing nahulaan nila ang mangyayari ha ha.
Kapitan Sino (2009) - 3 stars - Tapos nauso rin sa TV ang Darna, Dyesebel, Mulawin, atbp. kaya go with the flow rin si Bob Ong. Gumawa sya ng superhero na may local flavor at may patama sa buhay pulitika sa bansa. Nagustuhan ko rin ito dahil sa mga makahulugang mga pangungusap ng mga karakters lalong lalo na yong kay Rogelio at sa tatay niya si Ernesto. Ganda.
and finally...
Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan (2010) - 2 stars - Huwag na lang pagusapan. Baka lapangin ako ng mga tinatawag ng kaibigan kong mga "Trolls" Basta sana huwag na lang ulit sumulat si Bob Ong ng horror na kagaya nito. Ayan, sasabihin na naman ng kaibigan ko: Pati ako dinamay mo sa review mo Eh bakit di kita ida-damay eh involved ako sa argumento ninyo at iyan ang dahilan kung bakit naging curious ako kay Bob Ong (dahil self-declared fan ka niya) at ang mga tinatawag mong "trolls" ay ganoon na lang ang pagtatanggol sa "Mama Susan" na para bang si Bob Ong na ng maestro ng makabagong panitikang Pilipino ha ha.
He is indeed scraping the bottom sa aking opinion.
Matapos kung sunud-sunod na basahin lahat ng libro ni Bob Ong, ang aking final verdict: okay naman si Bob Ong bilang manunulat. Positibo sa intensyon pero medya-medya ang istilo. Walang kang isusuka pero wala ka ring kupkupkupi't hahangaan. Walang ikakamangha at sasabihin mong "wow!" Madaling basahin. May mga parteng nakakaaliw. Matatapos ko ba ang 8 libro (6 ang binili, 2 ang regalo) nya sa loob ng kulang sa 2 linggo (suma) kung di naman ako na-aliw bilang mambabasa?
Bob Ong's ABNKKBSNPLAKo?! is a nostalgic account of his life in school. Throughout the book, Ong's renowned humor is well-spread. He has the ability of adding a humorous twist to any dismal event in his life in school, adding metaphors and funny lines to liven the book. Towards the end of the volume, he turns sentimental and serious, citing many things about school and life in general. In closing, he relates a visit to his alma mater—his reminiscing of years bygone, of events that have become nothing but memories. He says something like, "I've revisited the place, but not the times."
Since it is written in Filipino, foreigners will not find much humor in this book unless they have at least basic command in our language. However, Pinoys everywhere must have this book in their collection. Entertaining, perhaps desirous read worthy of your time.
I remember I was depressed when I was reading this... I felt back then that everything wasn't working for me. So I went to the bookstore and looked for a book that could possibly make me laugh. I chose this book because it was the book that most of my classmates have already read and enjoyed. After reading a few pages, I find his anecdotes and descriptions amusing. I was pausing to laugh at each page. I can relate to him and it made me feel good. I think every Filipino middle-class will find familiarity to Bob Ong's books. Anyway, I never thought I would also find it inspiring.
Bob Ong was criticizing our society, but in a satirical manner. You laugh while thinking, "Yes, happened to me as well." But in the back of your mind, you thought that, "it was so wrong." There are so many things we can learn from this book, which I think every Filipino must read. It influenced my perspective of how I look at life, education, happiness, success and my country.
OBLIGASYON KONG MAGLAYAG, KARAPATAN KONG PUMUNTA SA KUNG SAAN KO GUSTO, RESPONSIBILIDAD KO ANG BUHAY KO. - page 87
Bababa ba ang bill ko sa internet pag nag-factor ako ng quadratic trinomial? Malulutas ba ng Laws of Exponents ang problema natin sa basura? Mababawasan ba ng Associative Law for Multiplication ang mga krimen ng bansa? Makakabuti ba sa mag-asawakung malalaman nila ang sum ang difference of two cubes? Maganda ba sa sirkulasyon ng dugo ang parallelogram, polynomial, at cotangent? Makatwiran bang pakisamahan ang mga irrational numbers? Anak ng scientific calculator! - page 27
Naniniwala akong quitters never win. - page 55
May utak naman ako, pero pinili kong maging bobo. - page 77
Minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihin na mahina ka. ISA LANG ANG HINIHILING KO SA KANILA: ANG KARAPATAN KONG MADAPA AT BUMAGON SA BUHAY NANG WALANG TATAWA, MAGAGALIT, MAGTATANONG, O MAGBIBILAG KUNG ILANG BESES NA 'KONG NAGKAMALI AT ILANG ULIT AKO DAPAT BUMAWI. - page 86
Ang problema lang e nasa Third World Country tayo, kung saan sa pagkakaintindi ko ngayon, ay ma tatlong uri ng mamamayan: ang mahihirap, ang mas mahihirap, at ang mga makapangyarihang aoprtunista na may likha ng dalawa. - page 108
Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras. - page 120
Paano ko sila pasasalamatan kung ngayon ko lang naintindihan ang mga itinuro nila? - page 123
Nakabalik ako sa lugar, pero di ko na naibalik ang panahon. - page 124
Third year high school ako noong marinig ang pangalang Bob Ong. Hindi pa ako noon interesado sa mga tagalog na libro dahil alam naman natin na mas pinahahalagahan ng marami satin ang wika ng mga banyaga at isa na ako sa mga iyon. Kaya eto tumanda ako at nakuhang gumradweyt sa kolehiyo ng di man lang nababasa ang libro na nauukol sa mga mag-aaral na tulad ko.
Ito ay isang libro na nagbibigay pugay sa lahat ng klase ng mag-aaral at guro. Kung titignan natin ang klasipikasyon ni Bob Ong sa mga uri ng estudyante eh nabibilang siguro ako sa mga taong tinatawag nyang Guinness o record-holders. Mga taong namumuhunan sa tiyaga at sipag mapunuan lang ang kakulangan sa talino at sa subject na matematika ko inaplay ang katangiang ito.
Nakakatawa, makabuluhan at nakakaaliw, yang ang masasabi ko sa librong ito. Nakakatawa dahil makakarelate ang kahit sino man ang makakabasa nito. Makabuluhan sapagkat lahat ng bagay ay base sa katotohanan at layon ng librong ito na mamulat tayo sa tunay na depinisyon ng pag-aaral at edukasyon. At ang huli, nakakaaliw sa kadahilanang nabasa ko sya nang hindi man lamang nakuhang mabagot o magsawa sa libro. Palibhasa'y satirikal itong babasahin kaya epektibo ang humor ng libro.
Tumutukoy ito sa realidad ng buhay maging ang kabuuang konsepto ng edukasyon. Ito ay ang mga responsibilidad ng mag-aaral at guro, impluwensya ng mga guro sa kanilang estudyante at ang buhay sa labas ng eskweahan. Makikita rin natin kung paano inihambing o ipinagkaiba ni Bob Ong ang salitang schooling at education at sa tingin ko eh pinaka-angkop dito ang kasabihang "Experience is the best teacher dahil ayon sa libro ay mas maraming syang natutunan dahil sa kanyang mga kakaibang karanasan sa buhay. Sa mga karanasang ito rin siya namulat sa tunay na kagandahan at kabuluhan ng pagpasok sa eskwelahan.
Bakit ba napakarami sa atin ang hindi nagbibigay ng interes sa pag-aaral? Bakit ba napaka-hirap mag-sumite ng takdang-aralin? Bakit ba kailangan mag-cram kung may palugit naman na ibinibigay sa atin? Bakit nga ba mahirap maging estudyante? Pero naisip ba natin kung gaano kahirap ang maging isang guro? Hindi ko alam...pero ngayong nabasa ko na ang librong ito sa tingin ko ay sapat ng idea yoon para sabihing "mahirap nga ang propesyon na iyon". At saludo ako sa lahat ng mga naging guro ko mula day care, elementary, high school maging narin sa college. Mabuhay kayo Sir and Ma'am!
This entire review has been hidden because of spoilers.
"nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill in the blank na sinasagutan, kundi ESSAY na sinusulat araw-araw. hinuhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang naisulat o wala. Allowed ang erasure"
Sa pagkakatanda ko, ito ang unang libro ni Bob Ong na nabasa ko, and that was 3 years ago at ang mga salita sa itaas ang pinakang paborito ko mula sa libro at kahit sa iba pa niyang akda. Ang huling linya lamang hindi ko gaanong sinasangayunan:
"allowed ang ERASURES." Sa aking paniniwala at dulot ng eksperiyensa sa buhay at taimtim na pagmamasid sa aking kapaligiran, hindi ko masasabing sa bawat pagkakamaling nagagawa natin ay maaari mo itong balikan at burahin na tila walang nangyari. no it’s not. dahil kahit kailan, hindi mo na mabubura ang kung anuman ang kamaliang nagawa mo. Maari mo lang itong dagdagan (ng gawang kabaligtaran o kabutihan ) para mabago into a good one ang kalabasan or gumawa ng ibang hakbang para matabunan yung mga nakaraang nagawa mo na. you can never brought back the time and erase all your wrongs.
Sa mga libro ni bob ong na karaniwang sikat sa mga kabataan ay kapansin-pansin ang mga linyang sa kung tutuusin ay simple lamang ngunit nag-iiwan ng aral at nagmumulat ng isipan ng bawat makababasa at makakaintindi. Katulad ng isa pang hindi ko makalimutang linya mula sa libro niyang ito ay ang:
“nakabalik ako sa lugar, ngunit hindi ko na naibalik ang panahon.”
Try and try until you succeed. Experience is the best teacher. Time is gold. Honesty is the best policy. Be the best of what you are. He who opens a school door, closes a prison. No man is an island. Learning is a treasure that will follow its owner everywhere. The whole purpose of education is to turn mirrors into windows. The larger the island of knowledge, the longer the shoreline of wonder. The eyes is the reflection of your soul.
Have you remembered everything that was listed above, the classrooms that were posted with quotes that inspired students that makes us think the way it stated or the students who copied and revised the quotes above to be included on his/her periodical or year book and the teachers who forced us to gather quotes and made new decorations from colored papers and pasted on the wall to create fancy decorations?
I can still remember that when I was still in my Elementary years my teacher forced us to brain storm quotes for our year book and because of my laziness or let me say being so dummy, I quoted one of the quotes above which I made it as a secret to my classmates and friends and believing that nobody knows except me and my year book. Unfortunately or maybe fortunate to somebody, Bob Ong's ABNKKBSNPLAKo?!: Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong a short narrative fictional memoir of Roberto Ong, focusing on his development of his personality as a student until he become a teacher, tackles the life of a typical public school student and how he change his point of view to life as a teacher in his later life.
I have a friend that always ask me that what it really takes to become a public high school student and it always mumble my mind everytime I remember her. What it really takes to be? As if Kris Aquino questioned me a million peso question that I can't answer. The story started during Bob Ong's Elementary days, imagine the room was over populated by students and lack of facilities including the basic needs like chair, nutritional food, comfort room, classrooms and so on until he graduated in high school. During my high school days, I experience a lot of weird thing like teachers who throws notebooks outside the window and teachers who act weird every day in your entire school year. Bob Ong as a teacher believes that a student or a person must not judge through his or her perfect quizzes and examinations but the character that develops the person, family, and the whole society. I do agree to some of Bob Ong's philosophical theories but some are not.
Bob Ong included to his book the financial assistant needed by the public school in the Philippines and the corrupt government official. It was stated on the book that the budget for 18 million student is 91 billion and one out of four children were schooling and almost 1 out of 10 children never have the chance to graduate in Elementary. The budget is getting lower while the needs of Filipinos are increasing and Sr. Franklin Drilon described it as "National disaster in slow motion." (Ninety-one billion ang budget, higit 18 million ang students. Isa sa bawat apat na Pilipino ay estudyante, halos isa sa bawat sampung estudyante e hindi nakakatapus sa elementarya. Habang lumalaki ang pangangailangan, lalong bumababa ang budget para sa edukasyon. "National disaster in slow motion," sabi ni Sr. Franklin Drilon. - pg. 106). Sad to say that our government never takes serious of our education, they are much more aware or giving more budget to the country's tourism and exporting-importing products. I don't know how can they really handle such situation but I do believe that our government is not the main problem of our current problems but the person itself. Why we should need to become parasites, if we want change we need to work as early as we can.
Bob Ong wrote everything he observed in the society and made it humorous for the youth to read, although Bob Ong's books were simple and humorous it has a major impact to societies change and needs (including youth) that wanting everyone to become part of his own plan take actions to the problem of the society. Nobody knows what really he planned for his readers, his identity is a mystery.
[image error] A fancy banner created by unknown artist of KNCHS, which I attended my high school years and met new friends and interesting teachers. High school life will always be the best. *Singing High School Life by Sharon Cuneta, here
Rating - ABNKKBSNPLAKo?!: Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong by Bob Ong, 2 Sweets and lack of budget to public schools nationwide . (Every book of Bob Ong have its own distinctive meaning, everyone have their own shares and everyone have the power to overcome the Filipino blood. I gave it 2 because I find the jokes corny, only corny people laughs to corny jokes. I recommend everyone to read Kiko Ansing's Kung Makakain Lang ang Bawat Pahina ng Libro (If I can Only Eat Every Page of the Book), part of my worst book last year, same plot, same everything.)
Challenges: Book #26 for 2011 Book #15 for Off the Shelf!
Eto ang pangalawang libro ni Bob Ong na nabasa ko. Matagal ko ng nakikita sa mga bookstore ang librong ito, pero ngayon ko lang naisipang basahin. Maganda naman ang mga kwentong chalk ni Bob Ong. Dito nia ibinahagi ang karanasan niya noong nagaaral pa cia hanggang sa makapagtapos at maging isang guro.
Napapangiti ako habang binabasa ko ang mga kwento ni Bob. Hindi ko maiwasang alalahanin ang mga karanasan ko nung ako ay nag-aaral pa. Naka relate ako sa ibang kwento nia. "May mga notebook bang lumilipad?" tanong nia. Isang malaking OO ang sagot ko dito. Dahil minsan isang araw, lumipad na din ang notebook naming magkakaklase.
Nakakaaliw basahin ang librong ito dahil totoo naman ang mga nakasulat. Makakarelate ka talaga dahil gawain talaga yan ng mga estudyante. Lalo na yung kwento nia nung tumuntong siya ng kolehiyo. Masasabi ko na kahit yung iba ay dumaan sa ganung karanasan, dahil may mga kakilala ako na dumating sa punto na nawalan din ng ganang mag-aral, pero sa huli muling nagsimula at nakapagtapos din naman.
Ano ang natutunan ko sa pagbabasa ng librong ito? Ang pagpapahalaga sa edukasyon at sa mga guro na naghihirap sa pagtuturo.
Hanga talaga ako sa librong ito. "ABNKKBSNPLAko" , pamagat pa lang mapapaisip ka na. Buti na lang at may nakapagsabi na sakin dati kung anung basa dyan, dahil kung hindi isa ako sa mga hunghang na mapapakunot ang noo at mapapakamot sa ulo nang unang makita yan.
Matagal na akong nakakarinig ng magagandang opinyon at puna tungkol sa librong ito. Nakita ko na rin ang librong ito simula noong elementarya pa lang ako. Pero hindi ako nagkaroon ng interes basahin ito dahil hindi naman talaga ako mahilig magbasa nang libro dati at ang tanging laman lamang ng isip ko noon ay maglaro , maglaro ulit at mag play.
Sabi nila, maganda daw ang libro at siguradong makakarelate ang kahit na sinong marunong magbasa nang pamagat nito. Nakakatawa din daw ito, na hindi ko naman sinang ayunan dahil para sa akin ang nakakatawang libro ay yung mga libro na may nagkakahunang mga larawan sa bawat pahina na kung hindi ka maiinis ay mapapangiti ka na lang na may kasamang ngisi pag binasa mo.
Pero mali pala ang akala ko.
Matapos ang isang dekada matapos ito unang mailathala ay napagpasyahan ko na itong basahin. Dahil sa labis na kagustuhan at naghihikahos na kalagayan ng bulsa ay pinerata ko ang libro.
Totoo, guilty ako sa pamimirata ng libro. Nagdownload lang ako ng pdf file na photocopy nitong libro at sa cellphone ko lang ito unang nabasa at pinagsisihan ko na ito. Mapatawad sana ako ng may akda.
Pagkabasa ko sa libro, laking tuwa ko dahil totoo ang mga kuro kuro tungkol sa librong ito. Nakamit din nito ang mga inaasahan ko bilang magbabasa. At umukit ito nang panibagong aral sa aking pagkatao.
Nakakatuwa lamang dahil totoo lahat nang naikwento niya bilang isang mag aaral. Si Bob Ong na siguro ang pinaka eksperyensyahadong nilalang sa mundo. Nagagawa niyang ilahad ang kahit na pinakamaliliit n detalye ng buhay niya. Mula sa mga kakaibang kaugalian noong elementarya, hanggang sa mga kalokohan noong high school, hanggang sa mahirap, pasakit at nakakabaliw na mundo ng kolehiyo.
Nakakaaliw dahil habang binabasa mo ang libro ay naalala mo ang mga karanasan mo na natutulad at kung minsan ay saktong nangyari din sa yo habang ang may akda naman ay abala sa pagkukwento ng sa kanya.
Kaya siguro nila sinabing nakakatawa ang libro dahil sa talagang mapapangiti ka dahil sa mga nakakatuwang alaala na iyong naaalala.
Hindi lang buhay ng pagiging estudyante, isama mo na rin ang karanasan ng pagiging isang guro. Ang hirap ng mga tumatayong pangalawang magulang natin at ang kanilang determinarsyon upang mapabuti lamang tayo.
Ngunit hindi lamang ito ang maganda sa libro. Kundi ang katotohanan na sa kahit anung paaralan, kahit na sinong kamag aral, kahit na sinong guro, isa lang ang pinakamahalaga.
May natutunan ka ba?
Ipinaliwanag at pinaintindi dito ang kahalagahan ng edukasyon at ang mga kayang gawin nito para baguhin ang buhay mo.
Kung para saan ang pinaghirapan mo nang ilang taon, kung para saan ang pinagpuyatan mo nang ilang gabi, kung para saan ang pinagmadali mo nang ilang umaga At lahat ng ito ay dahil sa iisang pangarap.
Sa libro ni Bob Ong na ABNKKBSNPLAKo ipinamalas niya ang kagalingan niya sa pagsusulat sa pamamagitan ng pagsusulat ng isang libro kung saan nakaukit sa bawat pangungusap lahat ng pangarap, kamalian, katanyagan, masasaya at hindi masayang karanasan sa loob at labas ng eskwelahan bilang isang estudyante, kaklase, anak, kaaway, kaibigan, kabarkada, guro at bilang isang tao. Nakasaad dito ang pagiging buhay-estudyante ni Bob Ong habang siya ay nasa elementary pa lamang hanggang sa siya’y nakatapos ng mataas na paaralan at kolehiyo. Mababasa rin sa librong ito ang mga posible at imposibleng nangyari sa buhay ng isang estudyante. May mga mababasang kasabihan tungkol sa pag-aaral mula sa mga tanyag na tao na kung susuriin mabuti at lalawakan ang kaisipan ay makakabuo ka ng isang kahulugan sa mga kasabihang ito kung saan pinapakita ang totoong estado ng ating pamumuhay bilang isang estudyante. Tulad ng isang normal na estudyante, sa elementarya naranasan ni Bob Ong ang pinakasimpleng mga problema na kung saan para sa atin noon ay napakahirap at napakakomplikado na – ang mga laruan. Naranasan din natin ang pagalitan ng mga guro sa hindi natin maintindihang kadahilanan. Si Miss Uyehara ang guro doon ni Bob Ong kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay pinalo siya sa hindi rin niya alam na kadahilanan. Isinalaysay niya sa mga unang pahina ang istura ng playground o palaruan ng mga elementaryang estudyante kung saan madalas ay nagiging Junior Divisoria ang labas ng kanilang paaralan dahil sa mga nagkalat ng tindahan at kung anu-anong tinda ng mga tindero at tindera. Sa Hayskul naman o mataas na paaralan nabunyag muli ang mga bagay na kadalasang ginagawa ng mga estudyanteng nagbibinata na at nagdadalaga. Dito nakasaad ang mga kalokohan ni Bob Ong noong hayskul pa lang siya na aminin man natin o hindi ay mahirap talagang iwasan dahil ang hayskul ay isa sa mga pinakamasarap na parte ng iyong buhay dahil dito mo nakikilala ang mga totoong tao sa totoong buhay mo na kailangan mong harapin. Nakasulat din na hindi talaga maiiwasan ng mga estudyante na bigyan ng alyas ang mga gurong kinaiinisan nila. Pagpasok naman ng kolehiyo ay tulad ng karamihan sa atin, ang akala nila ay magiging madali pero akala lang nila yun. Maraming tinahak si Bob Ong noong siya’y papasok pa lang ng kolehiyo, nakasulat sa libro niya na hindi madaling makapasok sa isang unibersidad at hindi rin madaling makalabas lalo na kung wala kang pagpipilian. Malaking malaki ang ipinagkaiba ng Hayskul sa Kolehiyo, kung sa hayskul ay pinakamasayang parte ng buhay estudyante mo, sa kolehiyo mo mararanasan ang pinakamahirap ngunit malayang parte ng buhay estudyante mo at depende na lang sayo kung saan mo itutungtong ang sarili mong mga paa. Base sa nakasulat sa libro ni Bob Ong ay hindi naging madali para sa kanya ang kolehiyo dahil dito niya nalaman at sa kolehiyo siya nagising na hindi palaging piyesta. Dito nasubok ni Bob Ong ang katatagan niya sa pag-aaral, dito huminto panandalian ang buhay niya at umusad pa rin dahil na rin sa determinasyong angkin at sa tulong ng kanyang pamilya na kailanman ay hindi binilang at pinagtawanan ang mga pagkakadapa niya sa tunay na buhay na hinaharap ni Bob Ong. Dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay naging guro sa Computer si Bob Ong sa hayskul. Dito nasubok ang kanyang pasensiya pagdating sa pagtuturo. Naging ganado rin siya sa pagtuturo dahil alam niyang nakakapaghatid siya ng kaalaman sa mga batang tinuturuan niya. Sa pagiging guro rin niya nasagot ang mga katanungang matagal nang bumabagbag sa kanyang isipan. Nalaman niya na mahirap talagang maging guro at makuha ang respeto lalo na kung sa isang tulad niya na hindi gaanong sanay na humarap sa mga taong nakapalibot sa kanya. Sa pagtuturo niya nalaman na marami pala talagang mga bagay na naituturo mo sa isang estudyante bukod pa sa mga nakasulat sa mga kwaderno nila at lesson plan mo. Ganoon din naman ang mga estudyante, kahit hindi pa propesyunal ay may naituturo silang mga bagay sa kanilang mga guro nang hindi nila nalalaman. Isinulat din ni Bob Ong ang mga uri ng estudyanteng nakaharap niya. Nandoon ang Clowns, Geeks, Hollow Man, Spice Girls, Da Gwapings, Celebrities, Guinness, Leather Goods, Weirdos, Mga anak ni Rizal, Bob Ongs at ang Commoners na hinding hindi mawawala sa isang klase. Sa pagiging guro niya nasabi na ang pagtuturo ay isa sa mga pinakasagradong trabaho dahil hindi mo raw alam kung saan hihinto ang impluwensya mo sa mga magiging estudyante mo. Naisaad din sa libro ang malaking kakulangan ng gobyerno pagdating sa budget nila sa edukasyon na talagang makakapagbukas ng iyong mata sa totoong pangyayari na mayroon sa bansa natin. Nabanggit din ni Bob Ong sa bandang dulo ng kanyang libro ang pagiging tanyad at bayani ng sariling bansa ang mga guro dahil sa mga ginagawa nila upang makapagturo lang. Pagkatapos ng dalawang linggo ay bumalik na ulit si Bob Ong bilang isang estudyante. Sa buod ng kanyang libro, masasabing talagang mahirap maging estudyante pero mas mahirap ang maging isang taong wala narrating dahil sa katamarang ipinakita sa pag-aaral. Isang dekada lang tayong mag-aaral at kung palalagpasin pa natin ito ay limang dekadang paghihirap ang kapalit. Makakabalik tayo sa lugar pero hindi na sa panahon kaya dapat ngayon pa lang ay ayusin na natin ang pag-aaral natin upang maging mas matuwid ang landas na maaari nating tahakin sa ating buhay.
ABNKKBSNPLAko?!'s rate of reminiscing three stars portrays my vigorous recommendation for the book. The stories will surely induce your classroom memories: the teachers, fellow students, and the unforgettable experiences. These memories might become short-lived due to the writing approach but they will depart with a wondrous feeling; an emotional sepia. Students are the main focus of my high recommendation. Reflect with this read.
The strengths of the book are its overall nostalgic atmosphere that induces an interblend of humor and reflections making its totality a complete page-turner, charmingly refreshing writing style that engages with the reader's personal experiences, and lastly, the transformative message for the development of the country's future in education. The weaknesses I found are its inability to construct a main flow; momentary imagery made it short-lived, and the anticipated ending of origin reappearance.
I read it in one sitting, this is a very short book but full of sense I described it as "short but meaty." I really enjoyed this book a lot because it's not only damn funny but heck I can relate to his story. i studied in a day care when I was in kindergarten, I studied in a public elementary and high school. Now I'm studying in De La Salle University-HSI and starting to feel the burden of college life though it's really fun to be in college.
I also believe in education shapes a society. I think this book will make us realize this more and be appreciative more to our teachers, classmates, parents, family and ourselves.
Read this book not only you'll learn something from it but also find yourself laughing while after reading you suddenly remember how your life was when you where in school.
I've read all of Bob Ong's published book except for this one. I am glad I've read this last because I'm not disappointed. Bob Ong's narration of his childhood, particularly his school days, did well. I believe every Pinoy would have at least one participation in this book in a sense that they will think it is their story. Because it's mine. Same as it is yours.Bob Ong's trademark of not using formal words made this realistic and very Pinoy.
This is a light, entertaining book about Bob Ong's time spent in school. I read this in one sitting but somehow my head felt fuller because it shows you interesting perspectives of looking at school. Underneath the signature Bob Ong humor were a lot of lessons about life, which perpetually makes reading his books interesting.
Binasa ko itong librong ito ng ilang oras lang, dahil sa sobrang maganda, di ko namalayan ang oras, matatapos ko na pala...
Puno ng maraming aral tungkol sa buhay estudyante at marahil kung ating susuriin puno ng aral tungkol sa buhay ng bawat isa..Tulad ko rin marami rin akong pinagdaan sa buhay na pwede nating maihalitudlad sa istorya ng librong ito...masalimuot at makabuluhan....
Nabasa ko na ‘to at binasa ko ulit sa pangalawang pagkakataon. Nakakatawa pa ‘rin at nakakamiss pa rin ang elementary at highschool days ko, syempre pati kindergarten. Kahit ilang beses ko siya basahin pakiramdam ko may bago akong natutunan. Galing talaga ni Bob-Ong!
Read this out loud to my Filipino family, which really enhanced my experience! If the book was a breath of fresh air for me, it was a beacon of nostalgia for them. Talagang magaling si Bob Ong!
Grabe, record breaking na naman. Less than 24 hrs natapos ko. Yahoo!
Ito ang pinakaunang libro ni Bob Ong na nabasa ko. Una kong nalaman ito dahil fineature ng school paper yun gmga libro ni Bob Ong (1st year HS ako nun, tatlo pa lang ata libro nya). Isa pa, may pumasok sa classroom namin dati na SSG officer at pinatahimik kami, pero ang ginawa na lang niya binasahan ng ilang bahagi ng libro.
Okay, balik sa libro. Ang gaan-gaan basahin nito kasi nakakarelate ka. Alam mo yung kahit magkaiba kayo ng henerasyon, madadala ka pa rin kais lahat ng tao, o karamihan ay dumaan sa ganitong phase ng buhay, buhay eskwela.
Ito ay punung-puno ng kwento ng pakikipagsapalaran sa buhay pag-aaral ni BO aka jungle. Ang saya, lungkot, inis, kilig at ginhawa ng pag-aaral. Sarap din magbalik-tanaw ng sarili mong ABNKKBSNPLAko?! story.
Una ko ata tong nabasa ito 2nd year HS? (2006) na hiram ko lang at binasa ko ulit ngayon (2014) gamit ang sarili kong kopya (oo, salamat Visprint! ;)). Narealize ko na iba na ang pagpapakahulugan ko sa libro. Nung una ko naman kasing basahin, kasalukuyang HS student ako kaya mas nakakarelate ko sa simula ng kindergarten hanggang HS. Ngayong 2014, napansin kong may pagkakatulad din kami ni BO (pagkakadapa sa college. Ramdam ko eh! Tagos na tagos!!Pati ang pagiging guro, SUPER tagos!) Tama lang din naman na madagdagan kahit paano ang libro, para updated sa 2014.
Huling buwan ng nakaraang taon inilabas ng Visprint ang 12th Anniversary Edition, may mga nadagdag (Ayoko sabihin, bahala kayong tumingin ;)) Di ko lang gusto yung sa huling part. Parang nilagay lang yun bilang paghahanda sa pagsasapelikula ng libro. Wew.Maliban sa mga dagdag sa panulat, naging glossy na din ang pabalat! (softbound) dahil, may hardbound edition din! May kalakip pang dalawang bookmark. Pero mas gusto ko ang dating cover, kakaiba ang texture e.
Kung gusto nyo ng matinding throwback, ito basahin nyo. :D
“Nakalimutan na ng tao ang kabanalan n'ya, na mas marami pa s'yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n'ya, mas marami pa s'yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n'ya, at mas mataas ang halaga n'ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n'ya tuwing sweldo. ” - Bob Ong
Ang main idea ni Bob Ong sa librong ito ay tungkol sa pag-aaral. Isang karapatan nating kabataang pilipino ang edukasyon. Pinakita sa libro ang tunay na pinagdaanan sa paaralan kasama na ang pakikipagsalamuha sa mga classmates at maging ang mga gurong tumatak at humubog sa bawat isa sa atin. Kahit hindi ako nakapag-aral sa isang pampublikong paaralan, naranasan ko din naman yung iba bilang isang estudyante. Parang binalikan ko nga yung pre-school, elementary, at highschool life ko eh. Narewind yung buhay ko sa halos dalawa't kalahating oras na pagbabasa. Dami kong naalala na nakakatawa, nakakaiyak, at higit sa lahat NAKAKAMISS. Kaya ienjoy niyo ang pagkabata niyo dahil tatanda din tayo.
I must say na na-appreciate ko much more ang aking pag-aaral noon dahil sa aklat na ito.. Mas lalo kong pinahalagahan ang memories na yun.. Yung mga masasayang araw mula elementary, high school, pati sa college..
Every 2 years ay palipat lipat ako ng school except nung Grade 5-6. Every year naman nung High School except nung Junior at Senior years.. Nung college na ako natutong pumirmi sa isang School.. Wala akong pagpapahalaga nun sa tao(except college years), sa mga nakakasalamuha ko dahil alam ko na hindi magtatagal e iiwan ko sila.. Pero sa librong ito, natuto ako magmuni muni sa mga nakaraan.. At mapapaisip ka sa bawat pahinang nababasa mo e nangyari din sa'yo.. :)
i bought this book in manila during ur affiliation..i got curious coz every one was talking bout bob ong and i have no idea on who he was..i was amaze with the content of this book. its funny but in the end you'll realize that all he's saying is true. you'll laugh at his jokes cause in reality that is what your thinking about certain things or ceertain people. bob ong is just so creative. i wanna meet him someday..kinda curious on what he will say to me..:)..nonetheless..keep up the good work..im in the states right now so im kinda behind on the books that u have published.hope to read them soon..when i find one here..:)
I remembered the first time I stumbled upon this book on my friend's desk. Upon reading the first few pages, I just couldn't wait to finish it. It kept me wanting more and more. I was grade six back then and though some of the parts (like college stuff) I still couldn't relate to back then, I still find myself thinking about it. and now that I'm already in college, I'd say that reading this book made me "ready" of what to expect. I'd definitely recommend this to anyone! It has humor but will still give great life lessons. This book is a very easy-read. This book will make you laugh, make you think, make you reminisce.
And for the record, he was right. Gaguhan nga sa college :P
Bago ako matulog nung hayskul ako, eto lagi binabasa ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na ba itong nabasa.
Ang sayang matuto habang nagsasaya. Ganun yung istilong ginamit dito. Natututo ka kasabay na nagsasaya ka rin. Sana lahat ganito approach, kahit siguro Calculus yan magiging interesado ako (siguro lang) Hahahaha.
Malaki utang na loob ko sa librong 'to. Kung hindi ko siguro 'to nabasa matagal na'kong sumuko sa pag-aaral. Sa dami ng pressure lalo ngayong college, whoooah! ang sarap tumigil at sabihing "suko na" pero sabi nga Push lang! Makukuha din yang toga na yan! Magtiwala lang sa Diyos at sa sarili :)
This was the second time I read the book. It made me laugh the first time, bringing me back to my school days. Some might think this book is just a recounting of Bob Ong's days at school, filled with recounted funny moments and hilarious insights, written to make the readers laugh. But it actually spurred my love for teaching! Even if you are not a teacher, this book will make you look at students, and their future role in the community, differently. This book will also make you look at the teaching profession differently, too.
it's my first bob ong. and it's been almost 3 years since i've read it. natapos ko to nang isang upuan lang. i studied in a public elementary school like bob ong did and perhaps that's the reason i was so fond of this book. i totally relate to it. the sad part is: knowing that we also experienced the same classroom conditions even he's years ahead of me. hmmm... i think the government should really pay close attention on the conditions of public schooling.
This was the first book I had read by Ong and I really loved it. I guess I was a high school freshman back then and I really enjoyed this book. As usual, Ong wrote with his usual witty style of writing. In a way, I can very much relate with his stories and I took interest with his school day stories. At the same time, I felt a bit sad when I encountered the part when he visited the school he graduated in. That was really nostalgic.
Mahal na mahal ko itong librong to. In english..i really love this book. It makes me think about my own childhood, mainly because the author mentioned here stuffs which i can relate with especially the scenes inside a class room and the type of classmates. He captured the minds of the young and young at heart.
At dahil tagalog ang binasa kong libro, nararapat lamang na tagalog din ang isusulat kong rebyu aw:
Bilang isang dating estudyante sa pampublikong paaralan noong elementary at high school, ako ay labis na naka relate sa karanasan ni Roberto. Matindi ang nostalgia na aking nadama habang binabasa ito na naging dahilan nang pagka miss ko sa kung gaano lamang ka simple ang buhay dati. Samantalang nakakatuwa itong basahin, hindi ko maiwasang madismaya. Ngayon lang mas namulat ang aking mga mata sa baluktot na mga paraang ginamit (at ginagamit parin ngayon) na hindi mabisa o nakaka-ambag sa kalidad ng edukasyon sa bansa. Ang librong ito, para sa akin, ay isang paalala sa realidad na may malaking problema sa sistema. Dahil minsan, ang edukasyon ay ‘luxury’ sa halip na maging karapatan at ‘accesible’ para sa lahat ng klase ng tao, mahirap man o mayaman. Minsan, ito ay hindi nagiging ‘option’ sa lahat. Minsan, ito naman ay nagiging ‘for the sake of it’ lamang pero hindi talaga mina-maximize ang kahalagahan nito.
Lalo na’t sa isyu tungkol sa isang kontestant sa Showtime na nang tanungin ni Vice Ganda kung ano ang mensahe niya sa Comelec, eh hindi alam kung ano ito. Kung ang isang maykayang bente anyos ay hindi alam kung ano ang Comelec, na malinaw na may access naman sa edukasyon, paano na lamang yung mga wala talaga. Kasalanan niya ba na hindi niya alam? Kasalanan ba ng lipunan? Ng kanyang mga magulang? Ng kanyang mga naging guro? O kasalanan ba ng mga namamahala? Ano-ano ba ang mga dahilan?
Lalo na rin sa ipinatupad na batas ng DepEd noon na walang batang babagsak. Kahit hindi naman marunong, dapat ipasa pa rin sila sa susunod na Grade Level. Alam ko ito dahil isang retired public teacher ang aking mama. Naikwento niya sa akin na may mga estudyante siya sa Grade 3 na hindi marunong magbasa. Isipin mo yun? Grade 3?? Bakit nakatungtong sa ganyang Level eh hindi nga marunong magbasa??? Isang nakakalumong resulta ng incompetence. Nakakaawa ang mga estudyante na susunod sa aking henerasyon. Para kanino ba talaga ang batas na iyon?
Marami pa akong gustong sabihin pero napakataas na ng aking rebyu. Tinatamad na rin akong mag type. Pero oberol, nagustohan ko ang libro. Siguradong babasahin ko ang iba pang libro isinulat ni Bob Ong sa hinaharap.