Accountancy student ka ba? Naranasan mo na ba ‘yung a. feeling na binigay mo lahat pero kulang pa rin?; b. hindi mo pa rin maintindihan kung bakit ‘yung volume variance ay parang love life mo lang: ZERO?; c. sa sobrang antok mo ‘eh pati third eye mo may eye bags na?; d. March na pero hindi mo pa rin alam kung magmamarch ka sa March? O e. All of the above?
Kung napapagod ka na sa one-sided mong pakikipagrelasyon sa mga libro mo sa Accounting at kulang na lang ‘eh mag-dextrose ka ng kape o energy drink kapag malapit na ang exams, magmuni-muni ka muna at balikan mo ang iyong mga pinagdaanan sa kursong ito. Bakit ka nga ba nag-Accountancy? Paano ka ba pumapasa? Kaya mo pa bang panindigan?